Thank you & Come again

2016-05-05 04.13.43 2.jpg

Ilang beses ka na ba nakakakita ng ganito bawat daan mo sa borderline ng isang lugar dito sa Pinas? Siguro maraming beses na no? Oo, alam ko. Kahit ako naman nakakita na din ng ganyan. Pero may mga bagay talaga sa mundo na kahit sadyang malayo sa katotohanan eh nagiging reyalidad nang di mo inaasahan.
Kapag nga naman daw umibig ang isang tao, hindi lamang saya ngunit may mga panahon din na masasaktan ka. ‘Yung bang pakiramdam mo na abot mo na ang langit sa kasiyahan ngunit may panahon din na para bang sinubsob ang puso mo sa kalalimlaliman ng mundo na halos dinaig mo pa si satanas. Yung bang mga panahon na sa sintamis ng pulu-pukyutan ang mga linyahan niya sayo ngunit nang di lumaon eh naging kasing pait naman din ng ampalaya. Yung mga panahon na kasing init ng pag-iibigan ninyo ang disyerto sa Africa, ngunit naging kasing lamig naman ng yelo sa Alaska. Ang pag-iibigan nyo na kung maiihahambing sa panahon eh parang maaraw na panahon na may kasamang mga luntiang puno’t halaman na nagsasayasaw at bumubulong sa bawat pagkumpas ng preskong hangin na may nag aawitang maya sa bawat sulok nito.Ngunit sa ilang araw na lumipas eh naging maulan ito at ang hanging dating banayad eh naging isang marahas na sa bawat pagpatak ng luha mo ay siya ring kasabay ng pagbagsak ng mabibigat na patak ng ulan. Samahan pa ng malakas na pagkulog at pagkidlat kasabay ng rumaragasang mong damdamin.
Ngunit sadya nga namang mapaglaro ang tadhana. Ang umiibig ay naibig sa taong may iniibig ng iba. Samantalang sa kabilang banda, naroon ang ang isang taong naibig sa kanya ngunit di ito napapansin sa kadahilanang may iniibig na s’yang iba. Ganito ang proseso sa mga taong naniniwala na hindi patas si Kupido kung mamana. Subalit kahit ganito man ang sitwasyon. Hindi natigil ang puso sa pagtibok nito. Waring parang may kung anu ang sumapi sa iyo na dinaig mo pa ang GomBurZa sa pagkamartir. Na kahit alam mo naman na pampalipas oras ka lang eh hindi magdadalawang isip na ibigay ang lahat sa kadahilanang “Nagmamahal lang naman ako”. Yung kahit alam mo na kailanman hindi ka magiging number 1 sa puso niya eh dinaig mo pa ang sandamakmak na hopia sa pag-asang magiging prayoridad ka din niya balang araw. Na kahit mas malinaw pa sa sikat ng araw ang mga sakit na dinulot n’ya eh hindi ka papatibag dahil ang wika mo “Pag nagmahal ka, asahan mong masasaktan ka din”. Na hindi pa man siya nahingi ng pabor sayo eh ang sagot mo agad ay oo. Hindi pa man sya nahingi ng halik eh papaulanan mo ang ang kanyang katawan ng malambot at mainit na bitaw ng iyong labi. Na kahit alam mo na pinipilit niya lang ang sarili niya na mahalin ka para malinis ang kamay niya sa bandang dulo eh iisiping mong mahal ka talaga niyang tunay. Na kahit ilang beses siya kumatok sa pinto ng iyong bahay eh pagbubuksan mo para saksakin ka niya ng paulit-ulit hanggang sa wala ka ng madama at magpapalam sa’yo ng isang halik na nagsasabing babalik ulet siya para muling isaksak sa’yo ang punyal na nagsisimbolo na ikaw ay habambuhay na pangalawa, pangalawa nga ba? o baka pangatlo o pangapat? Hindi mo alam? Oo, alam ko hindi mo na alam dahil bulag ka na sa katotohanan.

Na tanging masasambit mo lamang pag lalabas na siya ng pinto ay..

“Thank you and come again”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s