Akala ko..

img_9992Pumikit ako at sandaling ninamnam ang aking pagkaka-isa.
Di lumaon ako’y nakadama ng hinagpis. Bakit ako pa? Bakit ako pa ang naiwan?
Bakit siya pa? Bakit siya pa ang nangiwan? Bakit siya na walang ginawa kung di
bilugin ang kwadradong kong isipan. Bakit ako na ang tanging gawin lang ay ialay ang
pagmamahal na kahit kailan man ay hindi nararapat para sa kanya. Ngunit, oo, aaminin ko.
Masaya ako habang minamahal ka, masaya ako kahit ang sakit sakit na. Oo, masaya ako kasi nabibigay ko
ang kasiyahan mo. Kasiyahan nga ba? Nasiyahan ka nga ba noong tayo?
Oo, masiya ako sa kabila ng kasinungalingan sa likod ng iyong mga ngiti at oo, masaya ako sa katangahan na ito.
Masisi mo ba ako? Noong mga unang pagkakataon na na nagtama ang ating paningin, noong mga panahon na unang nagtama
ang ating mga kamay, unang naramdaman ang init ng ating yakap sa isa’t- isa at unang panahon na naglaban ang ating mga
labi sa gitna ng pagpatak ng ulan, akala ko iyon na. Akala ko iyon na ang magiging walang hanggan. Akala ko iyon na ang
ang aking titingnan sa hinaharap. Akala ko ikaw na ang kasama kong haharap sa altar at sabay magsasabi ng ating mga sumpang
 ‘sing tamis ng birheng asukal. Ikaw at ako, magkasama sa iisang tahanan. Ika’y papasok sa trabaho at ako nama’y maghahanda ng
umagahan at mag-aayos ng iyong kurbata tuwing umaga. Akala ko ikaw na ang kasabay ko magplano kung ilang supling ang ating bubuhayin.
Akala ko ikaw na ang kasama kong magtataguyod ng isang matiwasay at masayang pamilya. Akala ko ikaw na, ang makakasama ko sa pag upo sa
labas ng ating bakuran habang nagbabasa ng diyaryo sa umaga at humihigop ng mainit na kape. Akala ko ikaw na, ang makakasama sa pagkulubot ng
ating balat at sa pagputi ng ating buhok. Akala ko ikaw na, Akala ko ikaw na. Akala ko lang pala iyon.
Dahil Siya pala.
(photo by yours truly)
subj: Jade Esguerra

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s