Di Na Ako Tatakbo

Processed with VSCO with x1 preset

Wag na, wag na Mahal.
Wag mo na ipilit kung di mo na kaya.
Kung sakali man na may mahal ka ng iba,
Pasumamo ko sayo, agad mong sabihin.
Maari bang ipaalam mo.
Matatanggap ko kung sa ganoong paraan
ay naging tapat ka pa din.
Magpapasalamat ako dahil naging tapat ka sayong nararamdaman,
kahit hindi na sa aking pagmamahal.
Tatanggapin ko ng buo,
kahit ikamatay ko pa ang sakit.

Mahal, pasumamo ko sayo.
Kung ika’y may iniibig ng iba.
Maari ba yung mas sa lahat ng bagay.
Mas mabait, mas matalino, mas responsable.
Yung bang mas malawak mag-isip, mas kaya kang alagaan hanggang sa ikaw ay tumanda.
Yung mas matayog ang pangarap at mas masikap.
At higit sa lahat mas kayang kang mahalin higit sa pagmamahal ko sayo.

Ni hindi ko nga alam, kung mas may hihigit pa sa pagmamahal ko para sayo.
Dahil sa pagkakalam ko, ngayon lang ako nagmahal ng ganito.
Pero kung meron man, sige Mahal, tatanggapin ko.
Lulunukin ko ang mga salitang sinabi mo, mga pangako na magiging reyalidad sana sa hinaharap.
Sige lulunukin ko, kahit na mabusog ako sakit, sa sakit na kahit ano mang gawin ko..
Hindi na ako ang iyong mahal, Mahal.

Mahal, ngayon pa lang nagpapaalam na ako.
Paalam.
Dahil, kung napagdesisyunan mong sumama sa kanya.
Alalahanin mong di na ako tatakbo.
Alalahanin mo na, oo, masakit, sobrang sakit, maari kong ikabaliw ang sakit..
Pero alalahanin  mo mahal na kahit gaano katindi ito, di na ako maghahabol pa.
Oo mahal kita, Mahal ko.
Pero Mahal, mas una kong minahal ang sarili ko bago ka pa dumating sa buhay ko.

 

Photo by yours truly
Model: Angela E. Belmonte
(thank you cous for letting
me take pictures of you.)

 

 

Hey yow! I wrote this during office hours, sorry I can’t help it, it kept buzzing on my head so I had to jut it down. I felt writing it in Filipino too, so Hello to my foreign readers, may you consider to translate it in the internet. Thank you for your consideration.
What about you? What are your thoughts about my poem above?
Let me know on the comment section below. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s